Maraming mga pangyayari sa buhay natin na kailan mn ay di natin malilimutan.Di malilimutan dahil maaaring nag dulot ito ng labis na sakit o saya at aral, aral na pang habang buhay natin na dadalhin san man tayu ma punta.Ang aking karanasan na di ko malilimutan ay yung mga panahon na masaya pa kami,na kompleto pa kmi,na buo pa kmi bilang isang pamilya.

Nag simula ang lahat noong panahong maayus pa ang lahat,masaya pa kaming kumakain sa hapag ng magkasama.Nag iisa akong anak nila mama at papa.Maayus ang buhay namin noon.Si mama ay may permaninting trabahu,si papa naman ay isang company driver ako nmn, nag aaral. Naging masaya ang araw araw namin. Hanggang isang araw ay nalaman namin na may babae si papa. Matindi ang naging sagutan nila mama at papa nung araw na yun at hindi ko akalain na simula na pala yun ng pagkasira ng pamilya namin. Naging madalas ang pag aaway nila papa may sakitan nang nagaganap at palagi na lamang umiiyak si mama. Hindi lang isang beses na nahuli si papa na nambabae, maraming beses.Kaya nag pasya si mama na umuwi kmi sa probinsya. Nasa ika-apat na baitang palang ako noong mangyari yun, tumira kami sa lolo at lola ko hindi rin naging madali para sa amin ng aking ina nangulila ako sa aking ama at kahit bata pa ako noon, madaming sumagi na katanongan sa isip ko, hanggang hindi na rin bumalik samin ang aking ama. Hanggang sa nag tagal nasanay na rin kami ng aking Ina na kami lang dalawa at sa tulong din ng aking lolo at lola at ng mga taong nakapalibot sa amin naiibsan ang kalungkotan at sakit na nararamdaman namin ni mama. Siguro, yun talaga ang karanasang hindi ko malilimutan kasi nandito parin yung sakit at lungkot. Masakit lang kasing isipin  na ang unang lalaking nang-iwan at nanakit sakin ay ang aking Ama, pero kahit ganon buong puso ko parin siyang tatangapin pagbumalik siya.

Comments